Pilipinas, makababangon mula sa pandemya ngayong taon – Malacañang

Kinontra ng Malacañang ang pananaw ng Moody’s Analytics na ang Pilipinas ang huling makababangon at makababawi mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa Asia Pacific Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nag-iingat ang Department of Finance (DOF) sa pagsusulong ng kanilang fiscal policies dahil walang katiyakan kung kailan matatapos ang COVID crisis.

Mahirap aniyang nag-aapura lalo na sa paghiram ng pambili ng bakuna kaya dapat hinay-hinay ang pangungutang at paggastos ng pera ng gobyerno.


Giit pa ni Roque, patutunayan nila na mali ang forecast at makababangon ang bansa ngayong 2021.

Aniya, unti-unti nang nagbubukas ang ekonomiya para makabangon ang bansa kaya hindi nagsasawa ang gobyerno sa pagpapaalala sa sambayanan na mag-ingat para makapaghanapbuhay.

Batay sa Moody’s, posibleng sa fourth quarter pa ng 2022 makababawi ang Pilipinas dahil kulang umano ang suporta ng mga mambabatas sa pagbangon ng ekonomiya.

Facebook Comments