Inaasahang matatanggap ng Pilipinas ang nasa tatlong milyong doses ng Johnson & Johnson single-dose COVID-19 vaccine mula sa United States government.
Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatanggap siya ng katiyakan mula sa US Embassy sa Manila ukol sa donasyon.
Ang donasyon aniya ay dadaan sa COVAX Facility.
Pero hindi pa sigurado si Roque kung kailan darating ang mga bakuna.
“I was assured po ng mga Amerikano na talagang iyan po ang kanilang idu-donate. Ang isyu na lang is when exactly darating iyan,” sabi ni Roque.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nasa 3,024,000 doses ng Johnson & Johnson vaccines na donasyon ng US Government ang darating sa bansa ngayong buwan.
Facebook Comments