Pilipinas, makatatanggap ng 44 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX

Inaasahang makatatanggap ang Pilipinas ng kabuuang 44 million doses ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Country Representative to the Philippines, Dr. Rabindra Abeyasinghe, nasa 9.2 million doses ang darating sa bansa sa una at ikalawang kwarter ng taon.

Ang vaccine delivery ay magsisimula kapag nakumpleto ng Pilipinas ang mga kinakailangang arrangements para matiyak ang maayos na vaccine rollout.


“When all of those requirements are met and we believe that the Philippines is on track to do that, we are looking potentially at a maximum of 9.2 million doses coming through the COVAX facility by March or April of this year,” sabi ni Abeyasinghe.

Kumpiyansa si Abeyasinghe na ang natitirang 44 million doses ay darating sa katapusan ng taon.

Ang COVAX Facility ay isang global initiative para matiyak ang mabilis at patas na access ng lahat ng bansa sa bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na handa na ang mga cold chain facilities para mag-imbak ng bakuna.

Facebook Comments