SEA Games – Sa kabila ng paghakot ng medalya, malabo nang tumaas ang ranggo ng Philippine Team sa 2017 SEA Games.
Sabi ni Monico Puentavella, dating chairman ng Philippine Olympic Committee (POC) – malapit nang matapos ang event pero mahina pa rin ang takbo ng Pilipinas sa overall medal tally.
Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto ang bansa sa overall medal tally na may 106 medals – 23 ang gold, 28 silver at 55 bronze.
Nangunguna pa rin ang host country na Malaysia na may 223 medalya, pangalawa ang Thailand (193) habang nasa third spot ang Vietnam (140).
Facebook Comments