Mas malaki ang tsansa ng Pilipinas na makakuha agad ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa pagsali ng bansa sa global clinical trials.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, isa umano itong istratehiya para magkaroon ng pagkakataon na unahin tayo ng mga kumpanyang makakapag-develop ng bakuna.
Sa ngayon, nasa 70 kumpanya at unibersidad na sa buong mundo ang kasalukuyang nagsasagawa ng research para sa COVID-19 vaccine kung saan 10 dito ang magsisimula na ng clinical trials.
Bukod dito, ayon pa kay Domingo ay nakikipag-ugnayan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba pang mga bansa para isali ang Pilipinas sa unang makakatanggap ng bakuna kapag inilabas na ito sa merkado.
Facebook Comments