Pilipinas, malayo pa rin sa target na 23 milyong indibidwal na matuturkan ng booster shot ayon sa DOH

Aabot pa lamang sa 1,725,547 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 booster shot sa ilalim ng “PinasLakas” campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, malayo pa ito sa kanilang target na 23.8 milyong Pilipino na matuturukan ng booster shot.

Dahil dito, patuloy aniya ang pagpapaigting ng kanilang mga stratehiya upang dumami ang magpabakuna at mahikayat ang taumbayan na tumanggap ng booster sa higit 18,900 “PinasLakas” vaccination sites sa buong bansa.


Sa ilalim ng “PinasLakas” campaign ay aabot na sa 21,073 senior citizens ang nabakunahan na mula sa target na 1.7 milyong seniors.

Samantala, nagbabala naman si Vergeire na posibleng tumaas ang bilang maoospital sa darating na Setyembre o Oktubre kapag nagpatuloy ang mababang booster turnout ng bansa.

Sa ngayon, nasa 17.3 milyong Pilipino pa lamang nakakuha ng kanilang unang booster shot habang nasa 1.9 milyong indibidwal naman ang nabigyan na ng second booster

Habang nasa kabuuang 72.3 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19 as of August 18.

Facebook Comments