Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) na malayo pa sa pre-COVID-19 pandemic levels ang Pilipinas.
Ito ay matapos tumaas ng 11.8% ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ng taon, na pinakamalaking naitala na paglago ng ekonomiya matapos ang 32 taon.
Pinakamababa naman ang naitala sa ikalawang kwarter ng 2020 kung saan karamihan sa pinagkukuhanan ng ekonomiya ay sarado dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Samantala, iginiit ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang ECQ ngayong taon ay mas relax kumpara noong 2020.
Sa kabila nito, malayo pa ang Pilipinas para maabot ang growth level noong 2019.
Facebook Comments