Pilipinas, mananatiling committed sa ASEAN – PRRD

Manila, Philippines – Isa pa, tiniyak din ni Pangulong Duterte na mananatiling committed ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN para mapatatag ang rule of law sa mga kaalyadong bansa.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa joint statement nila ni Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad sa Palasyo ng Malacañang.

Dito ay iginiit ni Pangulong Duterte na patuloy ang kampanya ng pamahalaan para sa mapayapa, ligtas at malayang paglalayag sa West Philippine Sea (WPS).


Sinabi rin ng Pangulo na palalakasin pa nila ang ugnayan sa paglaban sa terorismo, transnational crime at paglaban sa iligal na droga.

Facebook Comments