Pilipinas, mas lalong maiipit sa tensyon ng US at China dahil sa isinasagawang Balikatan Exercises

Ikapapahamak ng bansa ang patuloy na pagsasagawa ng Balikatan Exercises sa pagitan ng Estados Unidos.

Kasabay nito ang panawagan na ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) at the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng bansa at US.

Giit ng oposisyon, dahil sa “military flex” ng US ay mas lalong itinutulak ang bansa sa tensyon sa pagitan ng China at Estados Unidos.


Naniniwala ang Makabayan na gustong gamitin ng US ang Pilipinas para sa “geopolitical interest” nito sa Taiwan at South China Sea na mas lalong magpapagalit sa China.

Dahil dito, tiyak na mapupuruhan ang mga mamamayan lalo na ang mga mangingisda gayundin ang kapayapaan at kabuhayan sa lugar na pinagdarausan ng Balikatan.

Ipinunto rin ng Makabayan ang posibleng paglala ng prostitusyon, sex trafficking at pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan at mga kabataan lalo’t makailang beses na ring naitala ang mga sexual abuse na kagagawan ng tropa ng mga Amerikano.

Facebook Comments