Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang partisipasyon ng Pilipinas sa international environmental events.
Ito ang pahayag ni PBBM sa Philippine Delegation sa Conference of Parties (COP28) para talakayin ang resulta ng COP28.
Dito iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tungkol sa improvement ng energy capacity pagsapit ng 2030; transition mula sa fossil fuels sa energy systems; pagpapabilis sa zero-and-low emissions technologies at ang iba pang isyu sa climate change.
Inilatag din ng ahensya ang Nationally Determined Contribution (NDC) Implementation Plan 2023-2030, at Philippine National Adaptation Plan (NAP) 2023-2050.
Ayon kay Pangulong Marcos, makatutulong ito sa mga hakbang para labanan ang climate change sa Pilipinas.
Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DENR at lahat ng kaukulang ahensya na gawing prayoridad ang pagtugon sa local environmental issues.