Manila, Philippines – Maaring maghain ng panibagong kaso sa International Tribunal ang Pilipinas kontra China.
Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, maaaring gamiting ground sa panibagong kaso ang reclamation activities ng Tsina sa Spratlys.
Sinabi ni Carpio na maaari ring humingi ng danyos ang Pilipinas sa China dahil pagkasira ng marine environment sa Scarborough Shoal.
Tinukoy ni Carpio ang ginawang dredging sa naturang karagatan na nagdulot ng malaking pinsala sa endangered species.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments