Pilipinas, may isang silver medal na sa Asian Games

Nasungkit ng Pilipinas ang unang silver medal sa 19th Asian Games na ginaganap ngayon sa China.

Ito ay kasunod ng naging laban ni Arnel Mandal kontra kay Jiang Haidong ng China sa finals ng wushu men’s sanda 56 kilograms.

Natalo si Mandal sa pamamagitan ng point difference.


Bago niyan, tinalo ng 27 years old na si Mandal si Avazbek Amanbekov ng Kyrgyzstan sa semifinals kahapon.

Facebook Comments