Pilipinas, may kakulangan sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong science and engineering

Inihayag ng Department of Science and Technology o DOST may kakulangan ang bansa sa mga estudyanteng kumukuha ng science and engineering courses.

Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DOST Sec. Renato Solidum na karamihan sa mga kabataan ay mas pinipili ang ibang kurso tulad ng nursing dahil gusto nila ng malaking kita.

Dahil dito, plano aniya ng DOST na magbigay pa ng scholarship sa kursong science and engineering.


Ayon kay Solidum, hihikayatin din nila ang mga investors na maglagay ng pondo sa research and development.

Nakipag-ugnayan na aniya ang DOST sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa pagtatatag ng knowledge, innovation, science, and technology parks.

Layunin niyong hikayatin ang mga konpanya na mamuhunan sa mga probinsya para hindi lamang sa Metro Manila nakasentro ang maraming trabaho.

Facebook Comments