Pilipinas, may karapatang tanggalin ang inilagay ng floating barrier o boya ng Chinese Coast Guard sa Bajo De Masinloc

Iginiit ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na may karapatan ang Pilipinas na tanggalin ang iniligay na floating barrier o boya ng Chinese Coast Guard sa bahagi ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Malaya na ang Bajo de Masinloc ay nasa 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (ECC) ng bansa at napakalapit sa Zambales.

Bilang parte aniya ng EEZ ang Bajo de Masinloc ay may karapatan ang Pilipinas na alisin ang mga boyang ito para hindi makaapekto sa pangingisda ng mga Pilipinong mangingisda o ang tinatawag na maritime entitlement.


Facebook Comments