Mayroong matibay na fiscal position ang Pilipinas para harapin ang COVID-19 pandemic.
Ito ang pagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ng Pangulo na mayroong fiscal capacity ang bansa para umusad mula sa global health crisis.
Dagdag pa ng Pangulo, mayroong mahahalagang proyekto sa ilalim ng Build Build Build program ang natapos na.
Binanggit ng Pangulo ang pagbibigay ng Japan Credit Rating Agency sa Pilipinas ng “A-“ na credit rating nitong Hunyo.
Nasa “BBB+” ang credit rating ng bansa sa S&P Global Ratings.
Matatandaang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na maaaring maabot ng Pilipinas ang ”A+” rating sa susunod na dalawang taon, pero maaantala ito habang patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.