Nagbabala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may mga hindi pa ring natutukoy na active faults sa bansa na posibleng madulot ng mapaminsalang lindol gaya sa Central Luzon.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr. – ugaliing maging handa dahil wala pang teknolohiya o kagamitan na pwedeng mag-predict kung kailan tatama ang isang lindol.
Aniya, ang mapping ng active faults sa bansa ay isang continuing activity, kung saan ina-update ang active faults map.
Karamihan sa mga active faults ay matatagpuan sa lupa.
Facebook Comments