Pilipinas, may nakalatag na plano sakaling tumindi ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan ayon sa DND

Iginiit ng Department of National Defense (DND) na may nakalatag na plano ang Pilipinas sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Sinabi ni DND officer-in-charge Jose Faustino Jr., mayroong detalyadong plano sila sakaling kailanging i-repatriate ang mga Pilipino sa Taiwan.

Ayon kay Faustino, naghahanda na rin ang gobyerno sa posibilidad na pagdami ng refugees sa bansa mula sa Taiwan.


Umaasa naman ang opisyal na hindi humantong sa giyera ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan,

Sakaling dumating ang aniya’y “worst case scenario” ay babaling ang bansa sa Mutual Defense Treaty nito sa Amerika.

Facebook Comments