Pilipinas, may pinakamaraming public holidays sa ASEAN region

Napabilang na ang pilipinas sa isa sa mga bansa sa asean region na may pinakamaraming public holidays.

Sa pag-aaral ng Institute for Labor Studies, kada taon ay aabot sa 21 hanggang 25 ang public holiday sa bansa habang ang ibang bansa sa Rehiyon ay aabot lamang sa 15 holidays kada taon.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairperson, Albay Rep. Joey Salceda, couterproductive at hindi gaano nakakatulong sa ekonomiya ang sobra-sobrang dami ng holidays sa bansa.


Kaya isinusulong na niya ito sa pamamagitan ng inihain niyang panukala o House Bill 5032 o Holiday Rationalization Act of 2019.

Sang-ayon dito si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis.

Para sa kanya, hindi ito nagsusulong ng competitiveness.

Layunin ng panukala na limitahan na lamang sa 9 ang regular holiday sa bansa.

 

Kabila na rito ang New Year, Good Friday, Eid’l Fitr, Labor Day, Independence Day, all Saints Day, Bonifacio Day, Christmas Day, at Rizal Day.

Facebook Comments