Kakayanin pa ng kasalukuyang healthcare system ng bansa ang post-holiday surge ng COVID-19 cases.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatiling ‘manageable’ ang inaasahang bugso ng COVID-19 cases kahit ipinagdiwang ng bansa ang Pasko at Bagong Taon.
Aniya, may sapat na hospital beds ang bansa para alagaan ang mga magkakasakit ng COVID-19.
Sinabi ni Roque na 61% ng 2,100 intensive care unit beds ay nananatiling available habang 63% ng 15,900 isolated beds ang maaaring magamit.
Mula sa 7,700 ward beds, nasa 74% ang available, 80% naman ng 2,100 ventilators ay pwedeng magamit.
Umapela pa rin ang Palasyo sa publiko na panatilihing sundin ang minimum health standards habang hinihintay ang bakuna.
Facebook Comments