Pilipinas, may sapat na supply ng gamot para sa HIV

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang supply ng gamot na kailangan para sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bago ito, nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nasa 73 bansa ang nanganganib na maubusan ng antiretroviral medicine bunsod ng pandemya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang stocks ng antiretroviral drugs para sa HIV ay magtatagal hanggang sa susunod na taon.


Mayroon ding nagpapatuloy na procurement ng gamot para hindi kapusin sa supply.

Sa pinakahuling datos ng DOH Epidemiology Bureau, nasa 2,818 ang bagong kaso ng HIV na naitala mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Sa kabuuan, aabot na sa 77,625 confirmed HIV cases sa bansa.

Facebook Comments