Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may siguradong supply ng anti-COVID-19 vaccine mula sa Covax facility.
Ito ang pagtitiyak ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa ginanap na press briefing ng Department of Health kasunod ng pinakahuling pakikipagpulong nila sa mga kinatawan ng Covax.
Ayon kay Vergeire, nasa 20 percent na ng populasyon ng ating bansa ang may siguradong nang mabibigyan ng bakuna.
Pero nilinaw ng opisyal na hindi isang bagsakan na makukuha ang supply ng mga bakuna.
Sa kabila nito, siniguro ng Covax na simula sa susunod na taon ay magsisimula nang dumating sa bansa ang kanilang bakuna at inaasahang makumpleto ang mga ito bago matapos ang 2021.
Una nang inanunsyo ng World Health Organization na mayroong 2 milyong dosages ng anti-COVID-19 vaccine na na-secure ng Covax para sa 190 bansa, kabilang na rito ang Pilipinas.