Pilipinas, mayroon ng 23 medalya sa 2017 SEA Games

Sports – Nakasungkit na ng 23 gintong medalya ang Pilipinas at nasa ika-anim na puwesto sa medal standing ng Southeast Asian Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakuha ni Colin Syquia ang gold medal sa equestrian sa pinakamabilis na time na 37-seconds.

Gintong medalya din ang nakuha ng Gilas Pilipinas Cadets matapos tambakin ang malaysia sa iskor na 94-55.


Dalawang ginto din ang nakuha sa billiards matapos manalo Sina Chesca Sentenio at Carlo Biado.

Dalawang ginto rin ang nasungkit matapos napalanunan ng dalawang pinoy sa Pinoy-Japanese sa judo.

Nag-uwi rin ng gintong medalya sa poomsae trio at taekwondo kyorugi event.

Sa huling tala, mayroon nang 108 medalya ang Pilipinas na kinabibilangan ng 23 ginto, 30 pilak at 55 tanso.

Facebook Comments