Aabot sa 17 ang maaaring mapagkunan ng Pilipinas ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa siyam mula sa 17 ang sumasailalim na sa Phase 3 trials.
Sinabi rin ni Galvez na ine-evaluate na rin ang safety at effectiveness results ng mga ito mula sa Phase 1 at Phase 2 trials.
Hindi pa rin binanggit ni Galvez kung aling pharmaceutical firms ang magsasagawa ng trials sa bansa.
Binanggit din ni Galvez na nag-donate ang negosyanteng si Enrique Razon ng 300,000 doses ng initial COVID-19 vaccines habang ang BDO, Lucio Tan group of companies, San Miguel Corporation, at Go Negosyo ay nakalikom ng higit 1 million doses.
Umaasa si Galvez na magagawa ng Pilipinas na makabili ng 30 hanggang 50 milyong doses sa susunod na taon.
Matatandaang inihayag ng pharmaceutical companies na Moderna Inc. at Pfizer na mabisa ang kanilang mga COVID-19 vaccines.