Naniniwala si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na mayroon na tayong matatag na batayan para sa pagtatakda ng sakop na teritoryo ng bansa.
Ayon kay Revilla, principal author ng Philippine Maritime Zones Act sa Senado, binibigyang linaw ng batas ang ating sovereign rights sa mga sakop na maritime zones.
Ang batas aniyang ito ay hudyat ng isang matibay na posisyon ng bansa na patunay na hindi kukunsintihin ng mga Pilipino ang mga panghihimasok at harassment sa loob ng ating Philippine territory.
Dagdag pa ng senador, magpapalakas din ang batas na ito sa claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa iba pang bahagi ng teritoryo na pinagtatalunan.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Chiz Escudero na sa pamamagitan ng paghahayag ng ating karapatan sa karagatan at himpapawid na sakop ng bansa ay pagtiyak ng paglinang ng yaman na matatagpuan dito na magbibigay benepisyo sa ating mga kababayan.