Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroong oversupply ng nurses ang Pilipinas.
Ito ang sinabi ng kagawaran sa harap ng deployment ng Filipino nurses mula sa iba’t ibang western countries sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa tantya ni Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroong 400,000 nurses ang bansa.
Kahit sobra ang bilang local nurses sa bansa, sinabi ni Bello na ipinapatupad ang deployment cap ng Inter-Agency Task Force (IATF) na 5,000 nurses kada taon.
Giit ni Bello, hindi mawawalan ng nurses sa bansa dahil sa limitasyon.
Pero hindi permanente aniya ang deployment cap dahil batay lamang ito sa feedback ng iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments