Tiniyak ng pamahalaan na aarangkada na sa Pebrero ang COVID-19 mass vaccination program sa bansa.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., magkakaroon ng maagang rollout ng humigit kumulang 1 milyong dose ng bakuna sa susunod na buwan.
Aniya, magmumula ang mga nasabing dose ng bakuna mula sa AstraZeneca, Pfizer, Sinovac, at sa COVAX facility.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na patuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa pitong vaccine manufacturer.
Matatandaang nasa 148 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang target na makuha ng pamahalaan para sa pagbabakuna sa 70 milyong Pilipino.
Facebook Comments