Dumalo si Trade Secretary Fred Pascual sa isang roundtable meeting sa Paris France na tinawag na MEDEF International kamakailan.
Sa ulat ng Presidential Communications Office ang MEDEF international ay isang nonprofit private- funded organization na binubuo ng mga representate mula sa nagnenegosto sa France.
Sa pagpupulong, ibinida ni secretary Pascual na ang Pilipinas ay ideal investment destination para makahikayat nang potential partnership at collaboration kasama ang mga kompanya sa France.
Kaya naman kinikilala ni Pascual ang MEDEF internartional na naglalayong palakasin ang kalakalan at negosyo sa pagitan ng Pilipinas at France.
Sa impormasyon pa ng Presidential Communication Office (PCO), halos 13 kompanya mula sa sektor ng finance, infrastructure, manufacturing, services, at transportation ang dumalo sa roundtable meeting at umaasa si Pascual na makakakuha ng investment ang Pilipinas mula negosyante sa France.