Muling pinagtibay ng Pilipinas ang commitment nito sa United Nations (UN) Charter.
Ang Pilipinas ay isa sa founding members ng UN at isa sa lumagda sa UN Charter noong October 24, 1946, kabilang ang 49 na ibang bansa.
Ayon kay Dept. of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Policy Enrique Manalo, ang Pilipinas ay mananatiling tagataguyod ng World Peace, tagapagtanggol ng Human Rights, oportunidad para sa edukasyon at pagsusulong ng maayos na kalusugan sa mga mamamayan.
Para kay UN Resident Coordinator Ola Almgren, ang Pilipinas ay isang aktibong miyembro ng organisasyon.
Matatandaang ipinaprubahan ng UN Human Rights Council ang resolusyon nitong Hulyo na imbestigahan ang war on drugs.
Nakatakdang ilabas ang report ng UNHRC hinggil dito sa susunod na taon.