Pilipinas, muling umapela sa North Korea na itigil na ang missile test nito

Muling nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa North Korea (NoKor) na ihinto ang mga missile test nito sa Korean Peninsula.

Sa harap ito ng panibagong pagpapakawala ng intercontinental ballistic missile (ICBM) ng North Korea noong Pebrero 18 at iba pang ballistic missile tests.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinukondena ng Pilipinas ang missile tests dahil ito ay nagdudulot ng tensyon na hindi lamang sa Korean Peninsula, kundi maging sa rehiyon ng Asya at sa buong mundo.


Umapela ang DFA sa NoKor na sumunod ito sa mga resolusyon ng United Nations Security Council at idaan ang isyu sa South Korea sa diplomasyang pamamaraan.

Facebook Comments