Muling uutang ang Pilipinas sa World Bank ng 600 milyong dolyar o katumbas ng halos 35 bilyong piso.
Ito ay bilang suporta sa reporma sa bansa na makakatulong upang makamit ang matatag na sektor ng pananalapi.
Inaasahan sa December 20, 2022 aaprubahan ng World Bank ang uutangin ng bansa.
Matatandaang, noong 2021 ay inaprubahan ng World Bank ang 400 milyong dolyar na inutang ng Pilipinas na ginamit para sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Samantala, batay sa Bureau of Treasury (BTr) ay lumobo pa sa ₱13.52 trillion ang utang ng Pilipinas nitong Setyembre.
Facebook Comments