Naabot ng Pilipinas ang highest rate ng COVID-19 vaccine administration.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang Pilipinas ay nakakapagbakuna na ng nasa isang milyong indibiduwal bawat linggo.
Kabilang aniya ang Pilipinas sa mga bansang nagpapakita ng accountability sa COVID-19 fiscal policy responses.
Bukod sa Pilipinas, kasama rito ang Australia, Norway at Peru.
Inaasahang magkakaroon ng steady supply ng bakuna ang bansa kapag dumating na ang higit dalawang milyong doses mula sa COVAX facility kada buwan.
Tatatag din ang supply ng AstraZeneca, Moderna, Sinovac, at Sputnik V sa Hulyo.
Nangako rin ang Estados Unidos na isasama ang Pilipinas sa top beneficiaries ng kanilang 80 million doses.
Facebook Comments