Naabot na ng Pilipinas ang peak o rurok nito sa COVID-19 cases sa bansa.
Ito ay matapos na maitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo na aabot sa 6,000 hanggang 7,000 news cases sa loob ng isang araw.
Sa interview ng RMN Manila kay University of the Philippines OCTA Research team Fellow Dr. Troy Gepte, dahil naabot na ng bansa ang peak ng COVID-19, mayroon nang senyales ng pagbaba sa rate ng reproduction o transmission.
Pero, binigyan diin ni Gepte na masyado pang maaga para sabihing pababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na’t nasa tipping point pa lang tayo.
Babala nito, dapat na pag-isipang mabuti ng Inter-Agency Task Force ang kanilang hakbang kung aalisin na o mananantili ang umiiral na Modified Enhanced Community sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.
Para sa grupo, inirerekomenda nila na palawigin pa ng 15-days ang MECQ lalo na’t hindi pa kontrolado ang pagtaas at pagbaba ng COVID-19 cases.