qwNanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ASEAN-East Asia Summit na magkaroon ng mapayapang resolusyon sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Ayon kay Pangulong Marcos, nababahala ang Pilipinas pag-aalala ng tensyon sa rehiyon, lalo na sa Lebanon.
Kaya naman nakikiusap ang pangulo sa lahat ng partido na umiwas sa pagpapapalala ng karahasan at sa halip ay umaksyon patungo sa isang mapayapang resolusyon.
Giit pa ng pangulo, sinusuportahan naman ng Pilipinas ang solusyon ng dalawang estado kung saan ang Israel at Palestine ay magkakasamang namumuhay nang mapayapa sa ilalim ng mutual security.
Matandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paggamit ng lahat ng assets ng pamahalaan para sa paglikas ng mga Pilipino sa Lebanon matapos bombahin ng Israel ang Hezbollah sa Lebanon at sa Gaza Strip bilang ganti sa mga rocket ng Hezbollah na bumagsak sa Haifa, sa ikatlong pinakamalaking lungsod ng Israel.
Samantala, sinabi naman ng Department of Migrant Workers na nasa 213 na Pilipino na ang nakakuha ng travel documents at handang bumalik sa Pilipinas.
Dahil dito, nasa 20 Pilipino na ang inaasahang darating sa bansa ngayong weekend.