Kaisa ang Pilipinas sa international community sa pagkabahala hinggil sa karahasang nangyayari sa Jerusalem at Gaza Strip.
Ito ay kasunod ng ilang linggong tensyon sa pagitan ng Palestinians at Israelis sa East Jerusalem kung saan 35 Palestinians at limang Israeli ang namatay.
Sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA), nananawagan ang Pilipinas sa lahat ng concerned parties na mag-usap para humupa ang tensyon.
Bukod sa Pilipinas, nanawagan din ang Estados Unidos at European Union na pahupain ang tensyon habang ang Arab nations gaya ng Jordan, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Oman ay hinimok ang Israel na igalang ang international law at karapatan sa mapayapang pagsamba.
Facebook Comments