Hinakot ng Pilipinas ang tatlong malalaking pagkilala sa 27th World Travel Awards Asian Category, kung saan tinalo nito ang 11 nominadong bansa.
Ang Pilipinas ay napanalunan ang Asia’s leading beach destination at Asia’s leading dive destination.
Nakuha naman ng Department of Tourism (DOT) ngayong taon ang leading tourist board in Asia.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, lubos silang nagagalak at nagpapasamat sa mga pagkilalang natanggap ng Pilipinas.
Magsisilbi aniya itong inspirasyon sa industriya kasabay ng unti-unting pagbubukas ng mga tourist destinations sa bansa.
Dagdag pa ni Puyat, hindi ito magiging posible kung wala ang pagtutulungan ng tourism stakeholders, Local Government Units, partner agencies at buong sambayanang Pilipinong walang pagod na nagpo-promote ng mga produkto, atraksyon at kultura ng bansa.
Ito na ang ika-apat na beses na nanalo ang Pilipinas sa leading beach destination, ikalawang beses sa leading dive destination at ikalawang beses na nakamit ng kagawaran ang pagkilala.
Samantala, ang Pilipinas at DOT ay nominado sa sumusunod na World category:
– World’s Leading Beach Destination 2020
– World’s Leading Dive Destination 2020
– World’s Leading Island Destination 2020
– World’s Leading Tourist Board 2020
– World’s Leading Tourist Attraction 2020