Pilipinas, naghain na ng panibagong diplomatic protest sa pagpapakawala ng China ng flares sa ruta ng Philippine Air Force

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.

May kaugnayan ito sa pagpapakawala ng Chinese Air Force ng flares sa ruta ng Philippine Air Force (PAF) habang nagpapatrolya sa Bajo de Masinloc.

Una nang inihayag ni DFA Spokesman Teresita Daza na walang epekto sa provisional understanding ng China at Pilipinas ang naturang insidente.


Ito ay dahil ang sakop lamang aniya ng provisional understanding ay ang RoRe missions ng tropa ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Facebook Comments