Pilipinas, naghain ng panibagong protesta laban sa China

138

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.

Kasunod ito ng sinasabing pagharang ng Chinese vessels sa mga mangingisdang Pinoy na pumasok sa fishing grounds malapit sa Pag-asa Island.


Maging ang militar ay nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon hinggil dito kung saan nagsasagawa na ng beripikasyon ang Joint Task Force West mula sa Pag-asa detachment hinggil dito.

Hinimok din ng militar ang mga mangingisdang Pinoy na nakakaranas ng harassment sa Chinese authorities mula sa mga teritoryong ina-angkin ng Pilipinas na mag-report lamang sa kanila.

Facebook Comments