Pilipinas, naging mabagal sa pagkontrol sa COVID-19 ayon kay VP Robredo

Bigo ang Pilipinas na makakilos agad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Sa isang panayam, inihalimbawa ni Vice President Leni Robredo ang mabagal na pagdedesisyon ng gobyerno sa pagkakansela ng biyahe papunta at galing China gayundin ang hindi istriktong pagpapatupad ng travel ban.

Hindi rin niya nakitaan ng “sense of urgency” ang Department of Health (DOH) na makabili ng mga safety gear para sa mga frontliners.


Giit ni Robredo, umpisa pa lang ay masyado kasi silang nagpakakampante.

Dahil dito, naghahabol pa rin ang Pilipinas sa ginagawang pagtugon ng ibang bansa sa pandemya sa kabila ng pagkakaroon nito ng pinakamahabang lockdown period sa buong mundo.

Gayunman, hindi hihilingin ni Robredo ang pagbibitiw ni DOH Secretary Francisco Duque III dahil mahirap aniyang magpalit ng pinuno habang nasa gitna ng krisis.

Sa halip, hinimok niya si Duque na tumanggap na lamang ng kritisismo at maging bukas sa lahat ng suhestyon.

Hinimok din niya ang kalihim na abutin ang deadline nito para sa coronavirus testing.

Facebook Comments