Pilipinas, nagkamit ng anim na medalya mula sa 62nd International Mathematical Olympiad

Aabot sa anim na medalya ang nakamit ng Pilipinas sa ginanap na 62nd International Mathematical Olympiad (IMO) mula July 14 hanggang 24.

Sa ikalawang pagkakataon, isinagawa ng IMO ang kumpetisyon sa pamamagitan ng virtual sa St. Petersburg sa Russia dahil sa pandemya.

Kabilang sa mga nagkamit ng silver na medalya ay sina Bryce Ainsley Sanchez mula sa Grace Christian College, Steven Reyes ng Saint Jude Catholic School, Immanuel Josiah Balete ng St. Stephen’s High School at Raphael Dylan Dalida of Philippine Science High School-Main.


Samantala, bronze na medalya ang naiuwi nina Sarji (sar-ji) Elijah Bona ng De La Salle University Senior High School at Vincent Dela Cruz ng Valenzuela School of Mathematics and Science.

Facebook Comments