Pilipinas, naglabas ng travel advisory kasunod ng bus bombing sa Egypt

Manila, Philippines – Naglabas ngayon ng travel advisory ang Pilipinas sa mga Pinoy na babiyahe at manggagawa sa Egypt.

Payo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy, manatiling mapagmatyag at huwag munang lumabas ng kanilang tahanan kung hindi kinakailangan.

Kasunod na rin ito ng nangyari sa Giza Region kung saan tatlong Vietnamese tourist at isang Egyptian tour guide ang nasawi habang sampu ang sugatan.


Nabatid na sumabog ang isang bombang nakatago sa isang dingding nang dumaan sa El-Maryoutiya Street ang bus lulan ang 14 na Vietnamese tourists.

Wala pang umaako ng responsibilidad sa nangyaring pag-atake, na tinawag ng Egyptian government bilang “act of terrorism”.

Facebook Comments