Pilipinas, nagpadala na ng mga barko at eroplano sa WPS; Chinese vessels, hindi pa rin umaalis sa Julian Felipe Reef

Nagpadala na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang patrol ships at isang jet trainer sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ito ay dahil ayaw pa rin umalis ng mga barko ng China sa lugar kahit ipinanawgan na ito defense at military officials ng Pilipinas.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang Philippine Navy at PCG ay nagpadala ng tig-isang patrol ship habang ang Philippine Air Force (PAF) ay nag-deploy ng AS-211 jet aircraft para bantayan ang sitwasyon sa lugar.


Muling iginiit ni Lorenzana na patuloy nilang ipaglalalaban ang soberenya ng bansa at protektahan ang marine resources ng Pilipinas.

Dadagdagan ang presensya ng Philippine Navy at PCG sa lugar para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Patuloy na itataguyod ng Pilipinas ang freedom of navigation at pananatilihin ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Nanawagan si Lorenzana sa Chinese government na agad paalisin ang kanilang mga barko sa lugar.

Una nang naghayag ng suporta sa Pilipinas ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, Australia, Canada at United Kingdom at kinokondena ang pagpapadala ng China ng mga barko sa lugar.

Facebook Comments