Pilipinas, nagpadala ng delegasyon para sa ika 67 session ng United Nations Commission on the Status of Women sa New York

Nag-deploy ang gobyerno ng delegasyon sa 67th session ng United Nations Commission on the Status of Women sa New York.

Sa impormasyon ng Presidential Communications Office (PCO), mananatili ang delegasyon sa New York mula hanggang March 17 ngayong taon matapos tumungo doon nitong March 6.

Pinangungunahan ni Ambassador and Permanent Representative at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo ang Philippine Permanent Mission to the United Nations.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng pag-obserba sa United Nations International Women’s Day na may temang Digital: Innovation and Technology for Gender Equality.

Sa ganitong paraan kinikilala at ipinagdiriwang ang pagiging kampeon ng mga babae sa advancement ng transformative technology at digital education.

Sinabi ni PCO Secretary Cheloy Garafil, ang okasyong ito ay isa ring pagkakataon para ma-explore ang epekto ng digital gender gap sa lumalawak na economic and social inequalities.

Kasama ng pangulo na dumalo sa aktibidad ay si Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Margarita Gutierez, Department of Information and Communication Technology (DICT) Sec. Ana Mae Lamentillo, PCO Usec. Cherbett Karen Maralit, at ambassador and deputy permanent representative Philippine Permanent Mission to the UN sa New York Ariel Rodelas Penaranda.

Facebook Comments