Isang team ang ipinadala ng Philippine Consulate sa Hawaii para tulungan ang mga Pilipino na apektado ng wildfire doon.
Inihayag ito ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa P24.058-billion na panukalang pondo para sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon.
Ayon kay De Vega, sa ngayon ay wala pa silang impormasyon kung may Pilipinong kasama sa 99 na nasawi sa malawakang sunog.
Sabi ni De Vega, makakakuha sila ng datos sa loob ng 24 hanggang 48 oras dahil inaasahan na sa Martes, oras sa Hawaii, darating ang Philippine team.
Facebook Comments