Pilipinas, nagpatupad ng poultry ban mula UK dahil sa bird flu outbreak

Hindi muna papapasukin sa Pilipinas ang alinmang poultry products na inangkat mula sa United Kingdom kasunod ng pagkalat ng H5N8 highly pathogenic avian influenza.

Ang mga domestic at wild birds at kanilang mga produkto, kabilang ang poultry meat, day-old na sisiw, itlog at semilya ay sakop ng temporary importation ban.

Sa ilalim ng temporary ban, ang processing, evaluation ng application at issuance ng Sanitary at Phytosanitary import clearance para sa poultry products ay suspendido.


Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layunin lamang nito na maprotektahan ang local poultry population.

Ang ban ay mananatili maliban na lamang kung babawiin.

Facebook Comments