Pilipinas, nahihirapan sa pagkuha ng COVID-19 vaccines – FDA

Aminado ang Food and Drug Administration (FDA) na nahihirapan ang pamahalaan na makakuha ng sapat na supply ng COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ng FDA matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tiyak na panahon kung kailan magkakaroon ng sapat na supply ng bakuna sa bansa.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi lamang ang Pilipinas ang nahihirapang makakuha ng supply lalo na at mayroong global shortage ng COVID-19 vaccines.


Ang mga mayayamang bansa na may kakayahang gumawa ng sariling bakuna ay inilaan ang karamihan ng kanilang vaccine supply para sa kanilang mga mamamayan.

Facebook Comments