Pilipinas, nais bumuo ng panibagong partnership sa bansang Hungary

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumuo ng bagong partnerships sa bansang Hungary.

Sa courtesy call sa ni Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Péter Szijjártó sa Malacañang, sinabi ng pangulo na umaasa siyang lilikha ng mga oportunidad at panibagong mga ugnayan ang komemorasyon ng ika-limampung taon ng pormal na relasyon ng Pilipinas at Hungary.

Sa kasalukuyan ay may ugnayan ang dalawang bansa sa edukasyon, water technology, agrikultura, culture at sports at pareho rin nitong sinusuportahan ang demokrasya, rule of law at international law.


Ayon naman kay Szijjártó, nakipagtutulunganZ na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang mai-angat pa ang masiglang relasyon ng dalawang bansa.

Makipagtutulungan din umano ito sa iba pang mga kalihim ng administrasyong Marcos.

Facebook Comments