Pilipinas, nais mag-suplay ng produktong agrikultural sa Iran kapalit ng fertilizer

Nag-courtesy call kay House Speaker Martin Romualdez si Iranian Ambassador to the Philippines Alireza Tootoonchian.

Ayon kay Romualdez, ang kanilang paghaharap ay nagpa-igting sa ugnayan ng Pilipinas at Iran.

Sa naturang pagkakataon ay inihayag din ni Romualdez ang hangarin ng ating bansa na makapag-suplay ng mga produktong agrikultural sa Iran tulad ng saging at niyog.


Diin ni Romualdez, kapalit sana ng pagpapadala natin ng agri-products ay ang fertilizer tulad ng urea na kailangan ng mga ating mga magsasaka.

Binanggit ni Romualdez na ang Iran ay kilala sa pagkakaroon ng malaking produksyon ng fertilizer.

Facebook Comments