Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang Pilipinas sa pagapasok ng iba pang variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natuto na tayo sa naranasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya’t mas may kakayahan na tayong harapin ang panibagong variant.
Aniya, ilan sa mga naging aral natin sa Alpha, Beta, at Delta variants ay ang kahalagahan ng One Hospital Command Center na nangangasiwa sa COVID-19 patient referral at localized lockdowns.
Sinabi rin ni Vergeire na bagama’t walang sinuman ang magiging handa sa panibagong variant, maaari namang ayusin ang sistema para matulungan ang mga bansa na mapamahalaan nang maayos ang pagtaas sa kaso ng virus.
Facebook Comments