Pilipinas, nakakapagsagawa na ng halos 25,000 test kada araw ayon sa DOH

Tinatayang nasa halos 24,700 test kada araw ang nagagawa ng COVID-19 testing laboratories sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot sa kabuuang 1,193,473 test ang nagawa ng mga laboratory.

Ayon kay DOH Public Health Service Director Dr. Beverly Ho, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang testing capacity nito bilang bahagi ng COVID-19 response.


Sa ngayon, mayroong 68 RT-PCR laboratories sa bansa at 23 GeneXpert laboratories sa bansa.

Mula nitong July 19, nakapagpadala na ang DOH ng 19,440 personnel sa priority health facilities at COVID-19 response activities.

Facebook Comments