Pilipinas, nakakaranas na ng second wave ng COVID-19 outbreak – ayon sa isang UP health expert

Naniniwala ang ilang eksperto na nakararanas na ngayon ang Pilipinas ng second wave ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Jomar Rabajante ng University of the Philippines (UP) COVID-19 Pandemic Response Team, maikokonsiderang second wave na ang nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa kada araw.

Aniya, magawa sana nating mapigilan mangyari ito kung nagpatuloy ang paggawa ng hakbang para hindi lalong lumala ang pagkalat ng nakakahawang sakit.


Kabilang na rito ang maaga ng vaccine rollout, maingat sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa at pagiging handa sa pagpasok ng mga bagong variant ng COVID-19.

Nilinaw naman ni Rabajante na ito ay base lamang kanilang projection at maaaring iba sa interpretasyon ng mga epidemiologist.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi pa masasabing second wave dahil hindi pa tayo tapos sa first wave ng pandemya.

Facebook Comments